Isang low-pressure ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa bahagi ng Mindanao.
Ayon sa Pagasa, namataan ang LPA sa 1,655 kilometers east ng Mindanao.
Wala namang direktang epekto sa bansa ang LPA.
Samantala, patuloy na nararamdaman ang hanging amihan at nagbibigay ng malamig na panahon sa bahagi ng Northern at Central Luzon.
Makararanas din ng pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region dahil sa amihan.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan ang natitirang bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES