ICC prosecutor na nag-imbestiga sa drug war campaign ni Pangulong Duterte papalitan na

(REUTERS)

Papalitan na sa puwesto si International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda, ang opisyal na nagsagawa ng imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na nakatakdang magsagawa ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ang ICC.

Kabilang sa mga posibleng pumalit sa puwesto ni Bensouda ang  mga nominado na galing sa Britain, Ireland, Italy at Spain.

Matatandaang makailang beses na minura ni Pangulong Duterte si Bensouda dahil sa pakikialam sa kanyang kampanya kontra sa illegal na droga.

Paninindigan ng Pangulo, hindi dapat na makialam ang ICC dahil panloob na usapin ito ng Pilipinas.

Bukod sa anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte, naging kontrobersyal din si Bensouda nang imbestigahan ang Israeli-Palestinian conflict sa Afghanistan.

 

 

Read more...