Economic charter change, suportado ni Senador Go

Suportado ni Senador Bong Go ang panukala na economic charter change o pagbabago sa ilang probisyon sa Saligang Batas.

Ayon kay Go, napapanahon na upang baguhin ang Saligang Batas para makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

Mahalaga aniya ito lalo’t maraming Filipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya sa Covid 19.

“Iba po ang panahon ngayon, kailangan luwagan ng kaunti ang mga investors na gusting pumasok dito sa atin. Kapag maraming investors, mas maraming trabaho kapag may magbubukas kahit na dayuhan,” pahayag ni Go.

Pero paglilinaw ni Go, tanging may kaugnayan lamang sa ekonomiya ang dapat na baguhin at hindi ang iba pang probisyon ng Saligang Batas.

“Huwag kapag ang puliitiko ang makikinabang. I am against it. Thirty four years old na po ang Constitution, hanggang doon lang po ako sa economic provisions. Kapag ang makikinabang po ang pulitiko, no way,” pahayag ni Go.

 

Read more...