Kinumpirma ng Members Church of God International ang pagkamatay ni Bro. Eliseo “Eli” Soriano sa edad na 73.
“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our beloved and one and only Bro. Eliseo ‘Eli’ Soriano – a faithful preacher, brother, father and grandfather to many,” ang mababasa sa post ng grupo sa kanilang Facebook account.
Umalis ng bansa patungong Brazil si Soriano noong 2004 dahil sa mga kontrobersya at kasong kinasangkutan, tulad ng rape at libel.
Pinagtibay ng Korte Surprema ang sentensiya sa kanya sa isang kasong libel noong 2018.
Ipinanganak noong April 4, 1947, itinatag ni Soriano ang Members Church of God Intl., noong Marso 30, 1977 at sinimulan ang pangangaral ng mga nakasulat sa Banal na Aklat sa Guagua, Pampanga.
Taon 1983 nang magsimula naman ang kanyang programang ‘Ang Dating Daan’ sa telebisyon.
Itinuturing na bible scholar si Soriano at nakilala siya sa kakaibang istilo ng pangangaral at pagpapaliwanag ng mga nakasulat sa Bibliya.