Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (February 11), 10,586 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 481 ang aktibo pang kaso.
35 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 10,075 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 30 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES