Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 11, nasa 14,558 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 86 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,425 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala namang bagong gumaling kung kaya 9,155 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 978 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,103 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 2,736 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 853 naman ang kaso sa Americas at 2,866 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.