Naglabas na ng pahayag ang Phivolcs kaugnay sa usok na lumabas sa isang subdibisyon sa Los Baños, Laguna.
Ayon sa Phivolcs ang usok ay mula sa hotsprings at katulad sa mga resorts sa paligid.
Ipinagdiinan din ng ahensiya na ang Mt. Makiling sa naturang bayan ay hindi aktibong bulkan.
At dagdag pa ng Phivolcs ang hot springs ay normal lang sa mga bulkan.
Una nang lumikha ng pangamba sa mga residente ng Lakewood Subd., sa Barangay Tadlac ang biglang paglabas ng puting usok at agad pinagsuspetsahan na ito ay mula sa Mt. Makiling.
Binisita pa ni Mayor Tony Kalaw ang lugar para personal na makita ang lumalabas na usok at hiningi nito ang paliwanag mula sa Phivolcs.
READ NEXT
Ex-CJ Puno itinalagang ‘friend of court’ ng SC sa pagtalakay sa Anti-Terrorism Law petitions
MOST READ
LATEST STORIES