Ex-CJ Puno itinalagang ‘friend of court’ ng SC sa pagtalakay sa Anti-Terrorism Law petitions

Itinalaga ng Korte Suprema si retired Chief Justice Reynato Puno bilang ‘friend of court’ na maaring makatulong para maresolba ang mga isyu kaugnay sa 37 petisyon laban sa Anti Terrorism Law.

Ang pagtalaga kay Puno ay isinagawa sa en banc session ng SC noong Martes, kung kailan idinaos ang ikalawang araw ng oral argument ukol sa mga petisyon na maibasura ang nabanggit na batas.

Si Puno ang pangalawang ‘friend of court’ na itinalaga ng Kataas-taasang Hukuman sa kaso.

Una nang naitalaga si retired SC Justice Francis Jardeleza.

Inaasahan na sa ikatlong araw ng oral argument sa Pebrero 16, magsasalita na si Jardeleza ukol sa kanyang posisyon sa mga argumento.

 

Read more...