Toxicology report sa Christine Dacera-case hindi pa rin naisumite ng PNP

Makalipas ang apat na preliminary investigation sa Christine Dacera case, hindi pa rin naisumite ng PNP ang toxicology report sa Makati City Prosecutors Office.

Una nang sinabi ng mga abogado ng PNP na ang toxicology report ay magmumula sa UP – Manila.

Sinabi ni Mike Santiago, abogado ng limang sa 11 respondents, napakahalaga ng toxicology report para malaman kung anong mga kemikal at toxic elements ang nakuha sa Rooms 2209 at 2207 ng City Garden Grand Hotel noong Enero 1.

Samantala, nagsumite naman ng kanyang reply-affidavit si Sharon Dacera, ina ni Christine.

Nilalaman ng kanyang affidavit ang kanilang pagtutol sa opinyon mula sa PNP Crime Lab na namatay si Christine dahil sa aortic aneurysm bunga ng pagtaas ng blood pressure.

Ayon naman kay Santiago magsusumite sila rejoinder ukol sa isinumiteng reply-affidavit ng nakakatandang Dacera.

Aniya ang kanilang sagot ang huling dokumento na kanilang isusumite at umaasa sila na kasunod na nito ang paglalabas ng resolusyon sa kaso.

Read more...