Nagtahan fly-over nakitaan ng mga bitak; trucks at trailers bawal muna

Simula sa darating na Pebrero 20, hindi muna papayagan ang mga truck at trailer na dumaan sa Nagtahan flyover sa Maynila, ayon sa MMDA.

Kasunod na rin ito ng rekomendasyon ng DPWH matapos madiskubre ang mga bitak sa wingwall, concrete pedestal ng steel railings at circular joint jackets.

Ayon sa MMDA kailangan na gawin ang hakbang para hindi na lumala pa ang kondisyon ng flyover at magresulta sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Nabatid na ang Nagtahan flyover ay isa sa nasa listahan ng DPWH ng mga tulay sa Metro Manila na kailangan nang ayusin.

Makakadaan pa naman ang ‘light vehicles’ sa naturang flyover.

Naglabas na rin ng alternatibong ruta ang MMDA sa mga maapektuhang mabibigat na sasakyan;

Southbound – Earnshaw Street, Legarda Street, Ayala Street, P. Burgos Street patungong Roxas Boulevard.

Northbound – Quirino Avenue patungong Roxas Boulevard; Quirino Avenue Extension patungong United Nations Avenue tuloy sa Roxas Boulevard.

Read more...