Ayon kay Alvarado, kailangan munang mapagkaisa ni Velasco ang kanyang mga deputy speaker sa kung ano ang dapat unahin ng Mababang Kapulungan ngayong nasa gitna ang bansa ng COVID-19 pandemic.
Iginiit din nito na dapat ay ang ayuda sa mga Pilipino ang unahin ng Kamara kaysa sa ibang mga bagay.
Sa tanong kung suportado nito ang pahayag ni Velasco na sa susunod na Kongreso na pag-usapan ang prangkisa ng ABS-CBN, sabi ni Alvarado dapat ay unahin muna ang ayuda at bakuna sa COVID-19.
Nagpahayag naman ng pakikidalamhati ang mambabatas sa mga emleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa kawalan nito ng prangkisa.
Kasabay nito, umaasa si Alvarado na isa sa mga unang makikinabang sa kanilang panukalang bigyan ng P10,000 ang bawat pamilyang Pilipino ay ang mga manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.