QC LGU magsasagawa ng contact tracing, testing sa isang komunidad sa lungsod

Magsasagawa ang Quezon City government ng contact tracing at testing sa isang komunidad sa bahagi ng Riverside, Barangay Commonwealth.

Ito ay matapos magpositibo sa B.1.1.7 variant o UK variant ng COVID-19 ang 35-anyos na lalaki na na-quarantine sa isang apartment dahil sa nakakahawang sakit.

Nalaman ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa Department of Health (DOH) na nagpositibo ang sample ng lalaki sa UK variant noong Miyerkules, February 10.

Inilipat ang lalaki at kasama nito sa Hope Facility,  araw ng Huwebes (February 11).

“We want to make sure that nobody was infected with Covid-19, especially by the much more contagious B.1.1.7 variant. We are acting very quickly to isolate the two, and to conduct extensive contact tracing and testing in the area. It is unfortunate that we learned about this only now,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Ayon naman kay CESU head Dr. Rolly Cruz, “Their condition will be strictly monitored by our experts, and we assure them that they will be well taken cared of in our facility.”

Sinabi naman ng alkalde na humihingi na sila ng legal advise kung kung gagawing liable ang manning agency na pinapasukan nito dahil sa hindi pagsunod ng health protocols.

“This agency placed an entire community at risk by bringing a Covid-19 positive patient to our city, considering that both their agency and the quarantine hotel are in Manila,” ani Belmonte.

Nagpaalala ang alkalde sa mga residente ng lungsod na ugaliin ang pagsunod sa health protocols.

Read more...