Compassionate use ng Sinopharm vaccine para sa PSG, inaprubahan na ng FDA

Binigyan na ng Food and Drug Administration ng compassionate use of license ng 10,000 doses ng bakuna kontra Covid 19 ang Sinopharm na nakabase sa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay gagamitin sa mga tauhan ng Presidential Security group.

“Nag-issue ng compassionate use license ang ating FDA para sa 10,000 dosage ng Sinopharm. Ito ay sang-ayon sa application ng ating PSG,” pahayag ni Roque.

Matatandaang inamin na ng PSG na naturukan na ng bakuna ang kanilang hanay noon pang Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon kahit na hindi pa inaaprubahan ng FDA.

 

Read more...