Simula sa February 23, darating na sa bansa ang mga bakuna kontra Covid 19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, 600,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac mula China ang unang darating sa bansa.
“Ang bakuna na Sinovac na galing sa China, nakaukit na sa bato ang pagdating, ito ay sa 23 ng Pebrero. Sa 23 ng Pebrero darating ang Sinovac, 600,000, mayroong 100,000 ay donasyon ng Tsina para sa kasundaluhan sa DND,” pahayag ni Roque.
Bukod sa China, bumili rin ang Pilipinas ng bakuna sa Pfizer na gawang America, AstraZeneca at iba pa.
READ NEXT
Pagsuspinde ni Pangulong Duterte sa Child Car Seat Law, pinasalamatan ng isang lider ng Kamara
MOST READ
LATEST STORIES