Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, kailangang maghintay na lamang hanggang sa susunod na Kongreso para ito ay matalakay.
Paliwanag ni Velasco, malapit na ang 2020 presidential elections kaya mas prayoridad nila na matapos ang priority measures ng administrasyong Duterte.
Ito aniya ay upang matiyak na makakamit ang mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino.
Dagdag ni Velasco, bukod sa mga priority legislation ay nais ng Kamara na maipasa ang panukalang Bayanihan 3 at iba pang economic bills na layong makatulong sa pagbuhay ng ekonomiya mula sa malawak na epekto ng COVID-19 pandemic at pagbangon ng mga Pilipino mula sa krisis-pangkalusugan.
Noong Enero, naghain si House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ng House Bill 8298 na layong magbigay ng 25-taong legislative franchise para sa ABS-CBN.