Sinuspendi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng car seat law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa may kinakaharap pa na pandemya ang bansa sa Covid 19.
Nakasaad sa car seat law o Republic Act 11229 na Child Safety in Motor Vehicles Act na kinakailangang gumamit ang mga bata na nag-eedad ng 12 anyos pababa at may 4’11 na taas pababa na gumamit ng car seat. Nilagdaan ng Pangulo ang batas noong December 2019.
Ayon kay Roque, sinuspendi rin ng Pangulo ang mandatory Motor Vehicle Inspection System.
Ibig sabihin, walang bagong sisingilin sa pagpapa-rehistro ng sasakyan.
“Samantala hindi na po mandatory ang MVIS. Ibig sabihin, kinakailangan walang bagong singil, walang karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan. Ito ang naging desisyon ng Presidente kung saan binalanse ng Pangulo ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nararanasan hindi lang ng Pilipinas kundi ang buong mundo,” pahayag ni Roque.