Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 107,855,946 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 27,897,214 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,871,060 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 9,662,305 naman ang kaso sa Brazil habang 4,012,710 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,985,161
– France – 3,385,622
– Spain – 3,023,601
– Italy – 2,668,266
– Turkey – 2,556,837
– Germany – 2,311,297
– Colombia – 2,173,347
– Argentina – 2,001,034
– Mexico – 1,957,889
– Poland – 1,563,645
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,364,978 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 80,020,074 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.