Publiko mapapanood ang pagturok ng COVID 19 vaccine kay Sen. Tito Sotto

(PRIB photo)

Inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III na masasaksihan ng publiko ang pagpapaturok niya ng anti-COVID 19 vaccine.

Gagawin niya ito  para makatulong sa ikinakasang information campaign ng gobyerno ukol sa national vaccination program.

Kailangan aniya mapakalma ang publiko at mawala ang mga takot at pangamba sa bakuna na bibilhin ng gobyerno.

“Lead by example. Iyan ang gusto kong gawin. Kung makikita ng ating mga kababayan na handa ang kanilang mga lider na magpa-bakuna sa kabila ng malawakang pagdududa kung ang mga bakuna  ba ay epektibo o hindi, malamang ay ma-engganyo ang nakararami na makilahok sa vaccination program ng Malakanyang,” aniya.

Dagdag pa ng senador dapat ay tumulong na ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno para makumbinsi ang mamamayan na makiisa sa programang pagpapabakuna.

Puna nito bigo pa rin ang information campaign ng gobyerno.

“Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin ng alinlangan ang ating mga kababayan kung epektibo nga ba ang mga binibiling bakuna ng Department of Health. Marami pa rin ang nagdadalawang-isip kung sila ba ay magpapabakuna o hindi ,” sabi pa nito.

Read more...