Proper handling ng COVID 19 vaccines ipinaalala ni Sen. Bong Go sa cold storage facilities

Pinatitiyak ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa cold storage facilities at evaluators na maayos ang magiging paghawak nila sa COVID 19 vaccines.

Ginawa ng senador ang paalala dahil aniya magkakaiba-iba ang pangangailangan sa temperatura para mapanatili ang kalidad at bisa ng mga bakuna.

“Sa mga evaluators ng cold storage, siguraduhin n’yo pong 100% na protektado po ang ating mga vaccine dahil po pinaghirapan natin makuha iyan, dahil ngayon po ay nag-aagawan po ng supply ng vaccine,” aniya.

Diin nito, wala dapat masasayang na bakuna dahil bukod sa napakamahal nito ay kawawa ang dapat na tatanggap nito para proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.

Una nang tiniyak ng Department of Health (DOH) na may sapat na cold storage facilities sa bansa na makakaya ang kinakailangan temperatura ng ibat-ibang bakuna.

Read more...