Mali at panlilinlang, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang mga sinasabing solusyon sa mga aksidente sa kalsada ang mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).
Katuwiran ni Recto, hindi lahat ng aksidente sa kalsada ay dahil sa mga sasakyan.
“Yes, accidents are caused by clunkers on the road, but to spin that they are solely to blame is again an overreach,” sabi nito.
Dagdag pa niya, “maraming aksidente na ang dahilan, madilim at walang ilaw na kalsada, nakakalitong traffic signs, pangit na daan, road barriers na mali ang pagkalagay, at walang ligtas na pedestrian lane o overpass.”
Sinabi pa nito kahit nasa kondisyon ang sasakyan at matalino ang driver kung nakatulog naman ito sa pagmamaneho o lumabag sa batas-trapiko, posible pa rin ang aksidente.
‘’I agree that a robust, fair, affordable and accessible Motor Vehicle Inspection System with a public option can prevent road mishaps, which the current set-up comes short in guaranteeing. Sa puntong ‘yan, may agreement tayong lahat. So let’s work out a system in which public safety wins,” giit nito.