Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 241 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.

Naramdaman ang pagyanig bandang 6:03 ng gabi.

May lalim ang lindol na 104 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa Jose Abad Santos at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahamg aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...