DFA Consular Office sa Lucena, sarado sa Feb. 11

Sarado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Lucena (CO Lucena) sa araw ng Huwebes, February 11.

Sinabi ng kagawaran na ito ay para sa isasagawang disinfection at ipatutupad na iba pang preventive measures laban sa COVID-19.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng lucena.rco@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula February 15 hanggang March 14, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Lucena sa pamamagitan ng email: lucema.rco@dfa.gov.ph.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO Lucena sa Lunes, February 15.

Read more...