Aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa 372

Karagdagang 37 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (February 10), sumampa na sa 26,964 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 372 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 64 active cases.

Sumunod dito ang Malate na may 51 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 30 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 25,803 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 789 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...