Sinunog ng La Independecia Pilipinas at League of Parents of the Phils., ang isang effigy ni Sison malapit sa Korte Suprema kung saan isinagawa ang pangalawang oral argument ukol sa mga petisyon para maibasura ang Anti-Terrorism Law.
Nangyari ito isang araw matapos ipagdiwang ni Sison ang kanyang ika-82 kaarawan.
Ayon kay Pep Goitia, secretary-general ng La Independecia Pilipinas, tinututulan ng mga grupong kilalang kaalyado ng CPP ang Anti-Terrorism Law dahil batid nila na ito ang magiging daan para matuldukan na ang paghahasik ng karahasan ng New People’s Army.
Naniniwala naman ang League of Parents of the Phils., na ang naturang batas ang magliligtas sa mga kabataan mula sa panghihikayat ng mga militanteng grupo.
May hinala na ang grupo ni Sison at ang ibang teroristang grupo ay nagkaroon na ng ‘tactical alliance’ para paigtingin ang terorismo sa bansa.
Tiwala din ang mga grupong dumidepensa sa batas na malalantad nito ang mga grupo na nangangalap ng pondo para maipagpatuloy pa ang kanilang mga mapaminsalang gawain.