Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (February 10), umabot na sa 541,560 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,188 o 5.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,345 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 0.60 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 114 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,401 o 2.11 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 276 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 499,971 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.