LOOK: Inspeksyon ng DOTr-TRB sa NLEX Segment 7 Expansion Project

DOTr photo

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Transportation – Toll Regulatory Board (DOTr-TRB), sa pangunguna ni Deputy Executive Director BGen Melquiades Ordiales Jr., sa NLEX Segment 7 Expansion Project, araw ng Miyerkules (February 10).

Ito ay matapos ding inspeksyunin ang mga bagong pasilidad at restrooms ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Kasama rin sa inspeksyon ang ilang opisyal ng NLEX Corporation at Norconsult Independent Consultant.

Personal ding tinignan ni Ordiales ang progreso sa tatlong lugar na bahagi ng SFEX, ang 8.2-kilometer expressway extension mula sa Jadjad bridge, Tipo Tunnel at Argonaut bridge na inaasahang makukumpleto sa buwan ng Pebrero.

Layon ng mga proyekto na mapalawak ang serbisyo ng SFEX at mapalawig ang transportation infrastructure sa lugar na makatutulong para sa pag-angat ng turismo at ekonomiya sa rehiyon.

DOTr photo
Read more...