Inilunsad ni Manila Mayor Isko Moreno ang COVID-19 Food Security Program
Ito ay isang inisyatibo kung saan makatatanggap ang humigit-kumulang 700,000 pamilya ng buwanang food subsidy mula sa lokal na pamahalaan.
Ani Moreno, bahagi ito ng hakbang upang maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa.
“Uunahin na muna natin ang tao sa lungsod ng Maynila,” pahayag ng alkalde.
“May mga bagay na hindi na muna natin tutugunan pero ito’y iyong mga bagay na sa tingin kong makapaghihintay dahil naniniwala ako na ang tao ay may kumakalam na sikmura, ang kalsada’y wala. Uunahin na muna natin ang tao sa lungsod ng Maynila,” dagdag pa nito.
Kabilang s food subsidy ang tatlong kilo ng bigas, 16 piraso ng de lata at walong pakete ng kape.
Aabot sa P3 bilyon ang ilalaang pondo para sa naturang programa.
Ayon kay Moreno, “Pipilitin natin sa lungsod na walang pamilyang magugutom. Sa Maynila, kakain tayo. It may be a bold dream, but iniiwasan natin iyong inevitable at sana nga hindi dumating yung mga susunod na buwan ng kahirapan ng mamamayan”
“May mga bagay na hindi na muna natin tutugunan pero ito’y iyong mga bagay na sa tingin kong makapaghihintay dahil naniniwala ako na ang tao ay may kumakalam na sikmura, ang kalsada’y wala,” saad pa nito.
Maliban sa food security program, tiniyak din ni Mayor Isko sa publiko ang ginagawang housing projects sa kabila ng pandemya.
“We will continue to achieve our goal, aspirations, and visions while others makapaghihintay naman. Kaya kung ano man ang gagawin pang malalaking bagay o maliliit na bagay, ay sinisigurado namin na ito’y kapakinabangan ng tao. Tao muna sa Lungsod ng Maynila. Iyan ang magiging direksyon ng ating 2021,” ani Moreno.