Pinag-iingat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang mga miyembro, pensioner at claimant laban sa ‘phishing modus.’
Base sa inilabas na pahayag ng ahensiya, sa ‘phishing modus’ pinalalabas na ang abiso na ipinadala sa pamamagitan ng e-mail, texts ng mga indibiduwal na nagpapakilalang tauhan ng GSIS.
Ang mensahe ay maari din ipadala sa pamamagitan ng social media.
Ang modus, hihingiin sa miyembro o pensioner ang kanilang mga sensitibong personal data, gayundin ang kanilang confidential GSIS information.
“Please be reminded that GSIS will never ask for your personal information unless it allows us to properly respond to your inquiries or quickly process your applications or transactions,” paalala ng ahensiya.
Pinakiusapan din ang kanilang mga kliyente na agad ipagbigay alam sa kanila ang anumang kadudadudang mensaheng natanggap.