Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, Maynila tumaas na

Apat na araw bago ang Valentines Day sa February 14, dagsa na ang mga mamimili ng bulaklak sa Dangwa, Maynila.

Ayon sa mga magtitinda, tumaas na ang presyo ng bulaklak.

Ang rosas na nabibili ng P150 ang dosena sa ordinaryong araw, ngayon nasa P700 na ang dosena.

Tumaas din ang presyo ng Malaysian mumps, carnation at star gazer.

Ang sunflower, nanatili naman ang presyo sa P50 hanggang P70 ang bawat isa

Katwiran ng mga magtitinda, kaunti ang suplay ng rosas mula sa Benguet at Baguio.

Mayroon namang maagang namili ng bulaklak para hindi na maabutan ng pagtataas ng presyo.

Sabi  ng mga bumili Ilalagay na lang nila sa refrigerator ang mga bulaklak para hindi masira at umabot sa araw ng mga puso.

Ang mga ito, trader din ng bulaklak mula naman sa mga lalawigan.

Sinabi naman ni Genies Veneracion isa sa mga nagtitinda ng bulaklak, malakas ang bentahan ngayon sa online dahil sa pandemic sa covid 19.

Takot na kasi anya ang mga tao na lumabas.

Umaasa ang mga tindera na mas malakas ang bentahan ngayong taon.

Dahil unti-unti nang dumadagsa ang mga mamimili, patuloy naman ang paalala ng mga tindera na sumunod sa mga itinakdang health protocols para hindi maisara ang pagnenegosyo.

 

Read more...