Pork holiday sa Blumentritt Market, Maynila tinapos na

File Photo

 

Matapos ang dalawang araw na pork holiday, balik na sa pagtitinda ang mga magbababoy at nagtitinda ng manok sa Blumentritt Market, Maynila.

Mula sa 390 hanggang 400 pesos kada kilo ng baboy, ngayon nasa 270 hanggang 300 pesos kada kilo na lamang alinsunod sa price cap na itinakda ng executive order ni pangulong rodrigo duterte.

Ayon kay Dante Rapisora, bumama na ang presyo ng baboy mula sa mga supplier.

Sinabi naman ni Lilibeth Atienza, tindera ng baboy, nais niya sanang umabot ng isang linggo ang pork holiday para mapilitan ang nga supplier na magbaba ng presyo.

Wala naman aniyang ibang hangad ang mga magtitinda kung hindi ibaba ang presyo ng baboy at manok para mas maraming benta.

Ayon naman kay Mark Incipido, tindero ng manok, kailangan nilang sumunod sa utos ng Malakanyang.

Mula sa dating 220 kada kilo, ngayon nasa 160 pesos na lamang ang kada kilo ng manok.

Ikinatuwa naman ito ng mga mamimili.

 

 

 

 

 

Read more...