“Kill This Love” ng BLACKPINK pumalo na sa 1.2 billion views

Isa pang panibagong record ang naitala ng BLACKPINK.

Ito ay matapos pumalo sa 1.2 billion views ang music video na “Kill This Love.”

Ayon sa YG Entertainment, ang BLACKPINK ang nakapag-tala ng milestone bilang ng pinakamataas na views noong 2019. Pangalawa ito sa most-watched music video na “Ddu-du Ddu-du,” na may 1.5 billion views.

Matatandaan na ang BLACKPINK ang may pinakamalaking subscriber sa female artist sa YouTube sa buong mundo na may 57 million subscribers.

Pero nangunguna pa rin sa listahan si Justine Bieber na may 60.8 million subscriber sa YouTube.

 

Read more...