Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano positibo sa Covid 19

Nag-positibo sa Covid 19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa anunsyo ni Rubiano sa Facebook, sinabi nito na isa sa mga empleyado ng city hall ang nag-positibo rin sa Covid 19.

“Nais ko lamang ipaalam na kahapon po ay nagpa PCR [polymerase chain reaction] test po ako dahil isa sa mga empleyado namin ay nag positive. Sa paglabas ng resulta, nakita  na ako ay nagpositibo sa Covid 19,” pahayag ni Rubiano.

Bagama’t tinamaan ng Covid 19, tiniyak ni Rubiano na hindi maantala ang pagbibigay serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Tuloy aniya ang trabaho kahit sasailalim siya sa mandatory quarantine.

“Tuloy-tuloy pa rin ang tapat na serbisyo ng ating lungsod, inatasan ko na ang lahat ng departamento na wag pabayaan ang ating mga kababayan.  Inutusan ko na rin ang ating mga opisyal at kawani sa city hall na ituloy pa rin ang programa ng gobyerno  kahit sa aking kalagayan,” pahayag ni Rubiano.

 

Read more...