San Antonio, Zambales niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang San Antonio, Zambales.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 141 kilometers Southwest ng San Antonio dakong 3:54 ng hapon.

May lalim ang lindol na 30 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...