Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (February 8), umabot na sa 538,995 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,992 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,690 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.4 porsyento ang asymptomatic; 0.63 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 2.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 52 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,231 o 2.08 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 23 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 499,772 o 92.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.