Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (February 8), sumampa na sa 26,869 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 356 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 57 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 na may 44 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 52 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 25,724 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 789 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
MOST READ
LATEST STORIES