Higit P1 dagdag sa diesel, kerosene ipatutupad bukas (Feb. 9)

Magkakaroon ng bigtime oil price increase sa mga produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Caltex, Petron, PTT.Philippines, tataas ng P0.85 ang presyo sa bawat litro ng gasoline habang P1.10 naman ang bawas sa diesel.

P1.00 naman ang dagdag sa kerosene ng Shell, Caltex, Petron at Seaoil.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Petron, PTT Philippines at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (February 9).

Dakong 12:01, Martes ng hatinggabi, naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Caltex.

Sa Cleanfuel naman, ipatutupad ang oil price hike bandang 4:01 ng hapon.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...