Naitalang aftershocks matapos ang lindol sa Davao del Sur, umabot na sa 44

Umabot na sa 44 ang bilang ng naitalang aftershocks matapos ang malakas na lindol sa Davao del Sur.

Batay ito sa datos ng Phivolcs hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (February 8).

Tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa bayan ng Magsaysay noong araw ng Linggo, February 7.

May lalim itong 10 kilometers.

Sinabi ng Phivolcs na umabot sa intensity 7 ang pinakamataas na naitala sa M’lang, Makilaka at Kabacan, Cotabato.

Read more...