Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 106.6 milyon

Pumalo na sa 106.6 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 106,691,461 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 27,611,403 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,838,843 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 9,524,640 naman ang kaso sa Brazil habang 3,967,281 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,945,680
– France – 3,337,048
– Spain – 2,971,914
– Italy – 2,636,738
– Turkey – 2,531,456
– Germany –  2,291,441
– Colombia – 2,157,216
– Argentina – 1,980,347
– Mexico – 1,932,145
– Poland – 1,550,255
– South Africa – 1,476,135
– Iran – 1,466,435
– Ukraine – 1,244,849
– Peru – 1,186,698
– Indonesia – 1,157,837
– Czechia – 1,034,975
– Netherlands – 1,005,760

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,327,369 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 78,526,046 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...