Bunga nito, hindi na muna makakadalo sa mga pulong ni Pangulong Duterte si Roque sa mga miyembro ng kanyang gabinete na bahagi ng national task force on COVID 19.
“Work-from-home po tayo ngayon dahil meron tayong isang staff member na nag-test na,” sabi nito.
Negatibo na ang resulta ng kanyang swab test si Roque ngunit pinili niyang sumunod sa protocol at mag-self isolate.
“Bagama’t negative tayo kahapon noong tayo ay nag-PCR para sana sa pagpupulong kay Presidente mamaya, eh kinakailangan sumunod pa rin po sa mga protocols,”
Magugunita na noong nakaraang Setyembre, nag-self isolate na rin si Roque matapos mag-positive sa coronavirus ang isa sa kanyang security aide at nang sumunod na buwan ay naulit ito nang si Interior Sec. Eduardo Año ang kinapitan ng nakakamatay na sakit.