Pagdidiin ni Angara seryosong isyu ang dumadaming out-of-school youth at maaring magbunga ito ng mas malalaking problema kapag hindi nasolusyonan.
Base sa datos ng DepEd, halos apat na milyon estudyante ang hindi nag-enroll sa Academic Year 2020 – 2021 at 2.75 milyon sa kanila ay mula sa mga pribadong paaralan.
At sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), siyam na porsiyento o 3.53 milyon sa tinatayang 39.2 Filipino edad anim hanggang 24 ay ikinukunsiderang out of school youths.
Bunga nito, itinutulak ni Angara ang pagbuo ng Magna Carta of the OSYs sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill 1090.
Pagtitibayin ng kanyang panukala ang mga polisiya at programa para sa OSYs upang mahikayat sila na maghanap ng ibang oportunidad.
Nais ni Angara sa aktibong pamunuan ng DepEd, CHEd, DOH, DSWD, DOLE at DTI ang pagbalangkas at pagpapatupad ng mga programa para sa mga kabataang hindi nag-aaral.