BREAKING: 1,790 bagong kaso ng COVID-19 naitala; 70 namatay

Umakyat na sa 537,310 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagdagdag ngayong araw ng 1,790 na bagong kaso kaya 26,333 ang mga aktibong mayroong covid-19.

Mayroon naming 70 bagong namatay dahilan upang umabot na sa 11,179 ang kabuuang nasawi.

11,388 naman ang bagong gumaling kaya may kabuaang 499,798 na ang nakarecover sa sakit.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 4.9% ang aktibong kaso, 93.0% ang gumaling, at 2.08% ang namatay.

Ayon sa Department of Health, inalis sa listahan ang naunang isang kaso na nagkadoble sa pagpapasok ng datos.

Mayroon namang 55 kaso na naitala bilang nakarecover pero matapos ang final validation ay napag-alamang namatay pala.

Walong laboratory naman ang bigong magsumkite ng kanilang datos ayon pa sa DOH.

 

Read more...