Siniguro ng Malakanyang na unang makatatanggap ng COVID-19 vaccine ang lahat ng medical frontliners na darating sa bansa ngayong buwan ng Pebrero.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nasa 117,000 doses ng bakuna mula sa COVAX facility ang ituturok sa mga medical frontliners.
Ito anya ay base sa priority list ng pamahalaan.
50,000 medical frontliners anya ang makikinabang sa 117,000 doses ng bakuna kung saan ang tig-dalawang doses ang ibibigay sa kanila.
Susundan sabi ni Roque ito ng 5 million doses ng bakuna mula naman sa AstraZenica.
Dahil dito, hindi anya aabutin ng isang buwan at matatapos bakunahan ang lahat ng mga medical frontliners sa bansa.
Nauna ng sinabi ng Department of Health na makakakuha ang bansa ng bakuna para sa 20 porsyento ng populasyon mula sa COVAX facility at limang porsyento lamang ang kailangang bayaran ng pamahalaan.