Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Davao del Sur, linggo ng tanghali.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong 12:22 ng tanghali.
Naitala ang lokasyon ng lindol sa layong anim na kilometro Silangan ng Magsaysay, Davao del Sur at may lalim na 15 kilometers.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa Kidapawan City.
Nailata naman ang Instrumental Intensity V sa Koronadal City, South Cotabato; Instrumental Intensity IV naman sa Alabel at Kiamba, Saranggani; General Santos City.
Instrumental Intensity II naman ang naitala sa Cagayan de Oro at Gingoog, Misamis Oriental at Instrumental Intensity I sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.
MOST READ
LATEST STORIES