Pinagsasagawa ng ilang kongresista ang Commission on Elections ng konsultasyon para sa online campaigning sa 2022 elections.
Ayon kina Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at CIBAC Rep. Domeng Rivera, kahir sinabi ng Comelec na hindi pa pinal ang planong pagbabawal sa face to face na pangangampanya mas makabubuti kung kukunin ang posisyon ng publiko.
Ito ayon kina Bro. Eddie at Rivera ay upang matukoy ang mga paraan ng pangangampanya na maaaring gawin ng masusunod ang health protocols at quality voters’ participation.
Dapat anilang ikunsidera ang malaki pa ring ang problema ng bansa sa internet dahil may mga lugar na kung hindi mabagal ang internet, ay wala talagang internet connection.
Paalala rin nina Villanueva at Rivera, kung bawal na ang pisikal na pangangampanya ay mangangailangan ng mas mahabang airtime sa telebisyon at radyo, at online space pero kailangan magagawa ito kapag naamyendahan na ang batas.
Giit ng mga ito, ang pinaka-mahalaga, mapa-online man o face to face ang pangangampanya, ay dapat matiyak na malinis, totoo at mapagkakatiwalaan ang halalan, habang nag-iingat ang lahat laban sa COVID-19.