Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao del Sur, linggo ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong 7:28 ng umaga.
Naitala ito sa layong 9 na kilometro Kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur at may lalim na 16 kilometers.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV
Makilala, Cotabato
Intensity III
Kiblawan, Davao del Sur
Davao City
Kidapawan City
Tulunan, Cotabato
Columbio, Sultan Kudarat
Intensity II
Banisilan at Arakan, Cotabato
Cotabato City
Koronadal City at Surallah, South Cotabato
Tacurong at Lutayan, Sultan Kudarat
MOST READ
LATEST STORIES