Senador Bong Go walang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon

Count me out!

Ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go nang tanungin kung may balak pang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections.

Ayon kay Go, hindi na siya dapat na isama sa usapang eleksyon.

Mas mahalaga aniya na malagpasan muna ng bansa ang pandemya sa Covid 19.

Ayon kay Go, hangga’t hindi natatapos ang problema sa Covid 19, wala nang pag-uusapang eleksyon sa susunod na halalan.

Iginiit pa ng senadpr na masyadong maaga pa para pag-usapan ang pulitika lalo’t naghihirap pa ang taong bayan.

Bukod kay Go, hinihimok din ng ibang supporter si Davao City Mayor Sara na tumakbong pangulo ng bansa.

Read more...