Task force para sa trabaho, negosyo at kabuhayan ikinasa ng pamahalaan

Photo grab from PCOO’s Facebook video

Aabot sa 420,000 na manggagawa ang nawalan ng trabaho noong 2020 dahil sa pandemya sa Covid 19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, ito ang dahilan kung kaya puspusan ang trabaho ng National Employment Recovery Strategy Task Force sa paglikha ng trabaho, Negosyo at kabuhayan initiatives para maayudahan ang mga nawalan ng trabaho.

“Our workers are among the most important sectors of the economy. They produce our food, goods, and essential products. They also provide the crucial and necessary services we need on a daily basis,” pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles, nilagdaan na kamakailan ang Joint Memorandum Circular para sa naturang task force na naglalayong pagandahin ang kondisyon sa sektor ng paggawa.

“Our National Employment Recovery Strategy or the NERS 2021-2023 will  address access to jobs and livelihood programs, create retraining opportunities to improve employability, and do refocusing of jobs to cope with the needs of the current pandemic,” pahayag ni Nograles.

Sinabi pa ni Nograles na nakapaloob na sa Build, Build, Build program ng administrasyon ang paglikha ng 1.1 milyong trabaho.

Kasama sa task force ang Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Public Works and Highways ata iba pang tanggapan ng pamahalaan.

“The signatory and partner agencies are all in agreement that we need to support the Filipino worker during these challenging times with programs that are immediate in implementation and comprehensive in scope. This is a shared, all-out effort which we’re also coordinating with the private sector because we want as wide a participation from stakeholders and policy makers as possible,” pahayag ni Nograles.

 

Read more...