Warehouse sa Las Piñas City nasunog

Tinupok ng apoy ang isang warehouse sa Marcos Alvarez Avenue, Barangay Talon Singko, Las Piñas City kaninang umaga, Pebrero 6, 2021.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ginagamit ng Lazada ang warehouse bilang storage facility ng mga pintura.

Nahirapan ang mga taga-BFP na agad na maapula ang apoy dahil sa makitid na kalsada.

Hindi pa mabatid kung ano ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP.

 

Read more...