Foreign students sa bansa sa taong 2020, bumaba ng 75 porsyento dahil sa COVID-19

Bumaba ang bilang ng foreign students sa bansa dahil sa banta ng COVID-19, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ng ahensya na bumaba ng 75 porsyento ang mga estudyanteng dayuhan na nag-apply para sa renewal ng kanilang student visas at permits.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, tanging 1,254 dayuhan lang ang nag-apply para sa student visas noong nakaraang taon.

Malayo ito kumpara sa naitalang 4,785 noong 2019.

Ani Morente, bumaba rin ang bilang ng foreign students na nag-renew ng kanilang visa sa 7,170, 31 porsyento itong mas mababa sa 10,433 naitala taong 2019.

Inilalabas ang student visa ng BI sa mga dayuhan na nag-enroll sa isang pamantasan o school accredited o authorized ng ahensy para makapasok ang mga dayuhan.

“Restrictions on the entry of foreigners and suspension of face-to-face classes due to the pandemic naturally caused a decline in the number of alien enrollees in Philippine schools,” pahayag ni Morente at dagdag pa nito, “many of those who intended to come here and study had no choice but to forego their plans.”

Batay din sa datos ng BI student visa section, nagkaroon ng 74 porsyentong bawas sa bilang ng foreign pupils sa elementary at high school levels na nag-apply ng special study permits (SSP).

Dahil dito, sa taong 2020, tanging 1,962 dayuhan lang ang nag-apply ng SSP.

Malayo ito sa 7,428 foreign pupils na nag-apply ng naturang permit noong 2019.

Ayon kay BI student visa section chief Anthony Cabrera, nagresulta ang pagbaba ng foreign student statistics sa pagbaba rin ng koleksyon ng ahensya sa student visa fees.

Sa taong 2020, sinabi ni Cabrera na sa P151 milyon ang kita ng ahensya mula sa foreign students, 28 porsyento itong mas mababa sa nakolektang P209 milyon noong 2019.

Umaasa naman si Morente na bubuti na ang datos sa 2021.

“We hope that renewed confidence in international travel, as well as the roll out of vaccines, would entice international students back to the country,” saad nito.

Read more...