2 commercial flight cabin crew nagpakasal sa taas na 30,000 feet, tumuloy sa Boracay

AIRASIA PHOTO

Literal na pinagtibay sa langit ang pagsasama ng dalawang cabin crew ng AirAsia nang ikasal sila sa eroplano habang bumibiyahe patungo sa Caticlan sa taas na 30,000 talampakan.

Ang mga kapwa nila pasahero, kasama ang kani-kanilang pamilya, sa flight Z2 225 ang naging saksi sa pag-iisang dibdib nina Kristoffer Rustia at Micah Cura.

Noon lang nakaraang Disyembre inalok ng kasal ni Kristoffer ang ina ng kanyang isang taong gulang na anak na babae.

Naibahagi nila sa kanilang mga kapwa cabin crew ang kanilang pangarap na maikasal sa ‘kalangitan’ at tinupad ito ng kanilang mga kasamahan.

AIRASIA PHOTO

“As crazy as it may seem, I envisioned Micah walking down the aisle in one of our flights wearing her lovely gown, not her cabin crew uniform. It seemed like it would be impossible, knowing that we work as flight attendants but AirAsia made it happen”, sabi ni Kristoffer.

Animo’y nakalutang naman sa labis na kaligayahan si Micah na sinabing, “Topy and I are grateful beyond words. It’s one thing to get married, it’s another to fulfill that dream in a place where we started our journey together—inside the aircraft. Our prayer is that we are able to inspire people to just hang on, and never lose hope because there are still many things to be thankful for, despite the many challenges brought by the pandemic.”

Ang pagpapakasal ng dalawa ang kauna-unahan na naisagawa sa isang commercial flight sa bansa.

Pagkalapag ng kanilang eroplano sa Caticlan, ang bagong kasal ay tumuloy sa isang hotel kasama ang kanilang mga bisita para sa reception.

Read more...